
Pagtingin ng mga larawan at video sa Album
Gamitin ang Album upang tingnan ang mga larawan at mag-play ng mga video na
iyong kinunan gamit ang camera sa iyong telepono, o upang tingnan ang kaparehong
nilalaman na iyong na-download o nakopya sa memory card. Makakapagdagdag ka
ng mga geotag sa iyong mga larawan at video, at pagkatapos ay matitingnan ang mga
ito sa mapa ng mundo. Sa Album, matitingnan mo rin ang mga larawan at video na
na-upload mo sa isang online na serbisyo, halimbawa, sa isang Picasa™ web album
o sa Facebook™.
Mula sa Album, maibabahagi mo rin ang iyong mga paboritong larawan at video sa
mga kaibigan sa pamamagitan ng Bluetooth™ wireless technology, email,
pagmemensahe at iba't ibang mga online na serbisyo. At maaari kang magsagawa ng
mga pangunahing gawin sa pag-edit sa mga larawan at itakda ang mga iyon bilang
wallpaper o mga larawan ng contact. Para sa mas marami pang impormasyon,
tingnan ang Pagkonekta sa iyong telepono sa isang computer sa pahina 100.
Pangkalahatang-ideya sa tab na Album
Ang mga sumusunod na tab ay available sa Album:
•
Mga Litrato
– tingnan ang lahat ng larawan at video na naka-save sa memory card.
•
Mga Mapa
– tingnan ang iyong naka-geotag na mga larawan at video clip sa mapa ng
mundo.
•
Online
– tingnan ang iyong mga online na album.
Upang magbukas ng Album
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang Album.
Kung hindi awtomatikong nagbago ang oryentasyon sa screen kapag pinatagilid mo ang
telepono, markahan ang I-auto-rotate ang screen checkbox sa ilalim ng Mga Setting >
Display.