
Mga setting ng still na kamera
Upang i-adjust ang mga setting ng still camera
1
Isaaktibo ang camera.
2
Kung hindi napili ang still camera, i-drag sa .
3
Tapikin ang isa sa mga icon ng mga setting sa kaliwa ng screen.
4
Upang ipakita ang lahat ng mga setting, pindutin ang .
5
Piliin ang setting na nais mong isaayos, pagkatapos ay i-edit ayon sa gusto.
Upang i-customise ang panel ng mga setting ng still camera
1
Kapag bukas ang still camera, pindutin ang upang ipakita ang lahat ng mga
setting.
2
Haplusin at huwag bitiwan ang setting na nais mong ilipat at i-drag ito sa nais
na posisyon.
Kung i-drag mo ang setting sa labas ng panel ng mga setting, makakansela ang mga
pagbabago.
Pangkalahatang-ideya sa mga setting ng still camera
Mga Eksena
Gamitin ang tampok ng Mga Eksena upang mabilis na i-set up ang camera para sa
mga karaniwang sitwasyon gamit ang mga paunang naka-program na eksena.
Tinutukoy ng camera ang ilang setting upang maangkop mo ang napiling eksena,
sinisiguro ang pinakamagandang larawan hangga't maaari.
I-off
Naka-off ang tampok na Mga Eksena at maaaring manu-manong kumuha ng mga larawan.
Eksenang panggabi
Gamitin kapag kumukuha ng mga larawan sa gabi o sa mga kapaligirang madilim. Dahil sa matagal
na oras ng exposure, dapat na hawakang mabuti ang camera o nakapatong sa isang matatag na
ibabaw.
Pampalakasan
Ginagamit para sa pagkuha ng litrato ng mga bagay na mabilis na gumagalaw. Pinapaliit ng maikling
oras ng exposure ang pag-blur ng pagkilos.
Halaga ng exposure
Tukuyin ang dami ng liwanag sa larawang gusto mong kunin. Ipinapahiwatig ng mas mataas na
halaga ang tumaas na dami ng liwanag.
74
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

White balance
Ina-adjust ng setting ng white balance ang balanse ng kulay ayon sa mga kundisyon
ng liwanag.
Auto
Awtomatikong i-adjust ang balanse ng kulay sa kondisyon ng liwanag.
Incandescent
I-adjust ang balanse ng kulay para sa mga kalagayan na warm lighting, tulad ng sa ilalim ng mga
light bulb.
Fluorescent
I-adjust ang balanse ng kulay para sa fluorescent na ilaw.
Maaraw
I-adjust ang balanse ng kulay para sa maaraw na kalagayan sa labas.
Maulap
I-adjust ang balanse ng kulay kung maulap.
Self-timer.
Sa self-timer maaari kang kumuha ng litrato na hindi hahawakan ang telepono.
Gamitin ang function na ito upang kumuha ng mga self-portrait, o mga litrato ng grupo
kung saan maaaring ang lahat ay nasa litrato. Maaari mo ring gamitin ang self-timer
upang maiwasan ang pag-alog ng kamera habang kumukuha ng mga larawan.
Naka-on (10 segundo)
Nagse-set ng 10-segundong antala kapag pinindot ang screen ng camera hanggang sa makuha ang
larawan.
Naka-on (2 segundo)
Nagse-set ng 2-segundong antala kapag pinindot ang screen ng camera hanggang sa makuha ang
larawan.
I-off
Agad na makukuha ang larawan sa sandaling tapikin mo ang screen ng camera.
Geotagging
Mag-tag ng mga larawan na may mga detalye ng kung saan mo kinunan ang mga
iyon.
I-on
Kapag naka-on ang geotagging, idinaragdag sa mga larawan ang tinatantyang heyograpikong
lokasyon kapag kinukunan mo ang mga iyon. Upang magamit ang geotagging, dapat mong
paganahin ang mga tampok ng lokasyon sa menu na Mga setting. Para magdagdag ng mga geotag
sa isang larawan, dapat na matukoy ang lokasyon bago mo kunan ang larawan. Matutukoy ang iyong
lokasyon kapag lumitaw ang sa screen ng camera. Kapag hinahanap ng iyong device ang iyong
posisyon, lalabas ang .
I-off
Kapag naka-off ang geotagging, hindi mo makikita ang lokasyon kung saan mo kinunan ang isang
larawan.
Paraan ng pagkuha
Piliin ang paraang ginagamit mo upang kumuha ng mga larawan.
Nasa screen na pindutan
Kumuha ng larawan sa pamamagitan ng pagtapik sa button sa screen sa screen ng camera. Kukuha
ng litrato kaagad sa pagbitaw ng iyong daliri.
Touch capture
Tukuyin ang partikular na lugar ng focus sa pamamagitan ng pagpindot sa screen ng camera gamit
ang iyong daliri. Kukuha ng litrato kaagad sa pagbitaw ng iyong daliri. Nalalapat lang ito kapag naka-
set ang mode sa pag-focus sa pag-focus sa pagpindot.
Camera key lamang
Kumuha ng larawan gamit lang ang hardware na key ng camera. Kukuha ng
litrato kaagad sa pagbitaw ng iyong daliri.
75
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.