Tungkol sa camera
Gamit ang camera ng iyong telepono, maaari kang kumuha ng mga regular na 2D na
larawan. I-send ang iyong mga larawan at video sa mga kaibigan bilang mga
multimedia message, o i-upload ang mga iyon sa isang serbisyo sa web.
Pangkalahatang-ideya sa mga kontrol ng camera
1
Mag-zoom in o out
2
Screen ng pangunahing camera
3
Lumipat sa pagitan ng still at video camera
4
Key ng camera – Isaaktibo ang camera/Kumuha ng mga larawan/Magrekord ng mga video
5
Ipakita ang lahat ng mga setting
6
Kumuha ng mga larawan o magrekord ng mga video clip
7
Bumalik ng isang hakbang o i-exit ang camera
8
Tingnan ang mga larawan at video
9
Mga icon ng setting ng camera
Mga tip sa paggamit ng camera
Panuntunan ng tatluhan
Huwag ilagay ang iyong subject sa gitna ng frame. Sa pamamagitan ng paglalagay ng
ikatlong bahagi nito papasok, makakakuha ka ng mas mahusay na resulta.
Hawakan ito nang matatag
Iwasan ang mga malabong larawan sa pamamagitan ng paghawak ng camera nang
matatag. Subukang huwag igalaw ang iyong kamay sa pamamagitan ng pagsandal sa
isang matibay na bagay.
Lumapit nang higit pa
Sa pamamagitan ng paglapit hangga't maaari sa iyong subject, maaari mong punuin
ang view ng screen ng camera ng iyong subject.
Isaalang-alang ang pagkakaiba
Mag-isip ng iba't ibang mga angulo, at lumapit sa subject. Kumuha ng ilang patayong
mga larawan. Sumubok ng iba't ibang mga posisyon.
Gumamit ng simpleng background
Ang isang simpleng background ay nakakatulong na i-highlight ang iyong subject.
Panatilihing malinis ang iyong lente
Ginagamit ang mga mobile phone sa lahat ng uri ng panahon at mga lugar, at
madadala sa mga bulsa at bag. Nagreresulta ito na maging madumi ang lente ng
72
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
kamera at magkaroon ng bakas ng mga daliri. Gumamit ng malambot na tela upang
linisin ang lente.