
Pakikipagkomunikasyon sa iyong mga contact
Upang maghanap para sa contact
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang , tapikin pagkatapos ang .
2
Ipasok ang naunang mga letra ng pangalan ng contact sa Maghanap na
patlang. Lilitaw ang lahat ng mga contact na nagsisimula sa gayong mga letra.
Ang mabilisang contact na menu
Tapikin ang thumbnail ng isang contact upang matingnan ang mga pagpipilian sa
mabilis na komunikasyon para sa isang partikular na contact. Kabilang sa mga
pagpipilian ang pagtawag sa contact, pagpapadala ng text o multimedia message, at
pagsisimula ng chat gamit ang Google Talk™ application.
Upang lumitaw ang isang application bilang pagpipilian sa madaliang contact na menu,
maaaring kinakailangan mong i-set up ang application sa iyong telepono at naka-log in sa
application. Halimbawa, kailangan mong simulan ang application na Gmail™ at ipasok ang
iyong mga detalye sa pag-login bago mo maaaring gamitin ang Gmail™ mula sa mabilisang
contact na menu.