Tungkol sa FM radio
Gumagana tulad ng anumang FM radio ang FM radio sa iyong telepono. Halimbawa,
makakapag-browse at makakapakinig ka sa mga istasyon ng FM radio at mase-save
mo ang mga iyon bilang mga paborito. Dapat kang magkonekta ng wired na headset o
headphone sa telepono bago mo magamit ang radyo. Ito ay dahil nagsisilbing antenna
ang headset o headphone. Pagkatapos maikonekta ang isa sa mga device na ito,
maaari mo nang ilipat ang tunog ng radyo sa speaker ng telepono, kung gusto mo.
Kapag binuksan mo ang FM radio, awtomatikong lilitaw ang mga magagamit na channel.
Kung mayroong impormasyong RDS ang isang channel, lilitaw ito ilang segundo pagkatapos
mong magsimulang makinig sa channel.
Upang buksan ang FM radio
1
Magkonekta ng headset o headphone sa iyong telepono.
2
Mula sa iyong Home screen, tapikin .
3
Hanapin at tapikin ang FM radio . Lilitaw ang mga magagamit na channel sa
iyong pag-scroll sa frequency band.
Kapag binuksan mo ang FM radio, awtomatikong lilitaw ang mga available na channel. Kung
mayroong impormasyong RDS ang isang channel, lilitaw ito ilang segundo pagkatapos mong
magsimulang makinig sa channel.
Paglipat sa mga channel sa radyo
Maaari kang lumipat sa pagitan ng mga channel sa radyo sa tabi ng frequency band
sa pamamagitan ng:
•
Pag-flick pataas at pababa.
•
Pag-drag.
•
Pagtapik sa channel o, kung magagamit, ang RDS information (pagkilanlan sa
himpilan).
Pangkalahatang-ideya sa FM radio
1
Lumipat pataas sa nakaraang paborito (magagamit kapag naka-save ang mga paborito)
2
Ang naka-tune na frequency
3
Mag-save o mag-alis ng channel bilang isang paborito
4
Lumipat pababa sa susunod na paborito (magagamit kapag naka-save ang mga paborito)
5
Isang naka-save na paboritong channel
6
Key para sa bukas/sara ng radyo
69
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
7
Impormasyong RDS (Radio Data System) – hindi magagamit sa lahat ng mga bansa/rehiyon
8
Buksan ang application na TrackID™