
Paggamit ng GPS
Ang iyong telepono ay may global positioning system (GPS) na receiver na
gumagamit ng mga satellite signal upang kalkulahin ang iyong lokasyon.
Kapag gumamit ka ng mga tampok na nangangailangan ng GPS receiver upang makita ang
iyong lokasyon, tiyaking mayroon kang malinaw na pagtanaw ng kalangitan.
Upang paganahin ang GPS
1
Mula sa Home screen, tapikin ang .
2
Tapikin ang Mga setting > Mga serbisyo ng Lokasyon.
3
Markahan ang checkbox na Mga GPS Satellite.
Pagkuha ng pinakamainam na pagganap
Sa unang pagkakataon na gamitin mo ang GPS, maaaring tumagal ito ng 5 hanggang
10 minuto bago mahanap ang iyong lokasyon. Upang matulungan ang paghahanap,
siguraduhing may malinaw na tanaw ka ng langit. Tumayong matatag at huwag
takpag ang GPS antenna (ang naka-higlight na lugar sa imahe). Maaaring tumagos
ang GPS signal sa mga ulap at plastic, ngunit hindi sa karamihan ng mga solidong
bagay gaya ng mga gusali at bundok. Kung hindi mahanap ang iyong lokasyon
pagkaraan ng ilang minuto, lumipat sa isa pang lokasyon.