
Tungkol sa mga serbisyo ng lokasyon
Gamitin ang iyong telepno upang malaman kung nasaan ka. Mayroong dalawang
paraan: GPS at mga wireless network. Paganahin ang pagpipilian sa mga wireless
network kung kailangan mo lamang ng iyong tinantiyang lokasyon, at kailangan ito
kaagad. Kung nais mo ng mas eksaktong posisyon, at mayroong malinaw na tanaw
sa langit, paganahin ang GPS na opsyon. Sa mga sitwasyon kung saan mahina ang
koneksyon ng wireless network, dapat mong paganahin ang parehong mga
pagpipilian upang matiyak na matatagpuan ang iyong lokasyon.
Hindi tinitiyak ng Sony ang katumpakan ng anumang mga serbisyo sa lokasyon kabilang
ngunit hindi limitado sa mga serbisyo sa pag-navigate.