Pag-synchronise sa Facebook™
May dalawang paraan upang gamitin ang Facebook™ sa iyong device. Magagamit
mo ang karaniwang application ng Facebook upang i-access ang iyong online na
Facebook account, o maaari mong i-synchronise ang iyong Facebook account sa
iyong device at magbahagi ng nilalaman ng Facebook™ at marami pang ibang
application. Halimbawa, maaari kang magbahagi ng musika sa "WALKMAN"
application sa iyong device sa pamamagitan ng Facebook. Upang i-synchronise ang
iyong device sa Facebook, dapat ka munang mag-set up ng account na "Xperia™ with
Facebook" — isang solusyong binuo ng Sony upang magawa ang madaling
pagsasama.
Upang mag-set up ng account ng pagsasama ng Facebook™ sa iyong telepono
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Tapikin ang Mga setting > Mga account at pag-sync.
3
Tiyaking naka-on ang pag-synchronise nang sa gayon ay maaaring mag-
synchronise ng data nang awtomatiko ang mga application.
4
Tapikin ang Magdagdag ng account > Xperia™ with Facebook.
5
Sundin ang mga tagubilin na nasa screen upang gumawa ng isang account ng
pagsasama ng Facebook™, o mag-sign in kung mayroon ka nang account.
Maaari ka ring mag-set up ng account ng pagsasama ng Facebook™ sa iyong telepono sa
pamamagitan ng pagmamarka sa checkbox ng Pagsasama ng Facebook sa ilalim ng Mga
Setting > Xperia™ > Xperia™ with Facebook.
Upang mag-synchronise nang manu-mano sa iyong account ng pagsasama ng
Facebook™
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Tapikin ang Mga setting > Mga account at pag-sync.
3
Tapikin ang Xperia™ with Facebook account.
4
Pindutin ang , pagkatapos ay tapikin ang Mag-sync ngayon.
Upang mag-alis ng acount ng pagsasama ng Facebook™ mula sa iyong telepono
Kapag mag-aalis ka ng account ng pagsasama ng Facebook™ mula sa iyong telepono, hindi
matatanggal ang nauugnay na online na Facebook account at maa-access mo pa rin ito mula
sa isang computer.
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Tapikin ang Mga setting > Mga account at pag-sync.
3
Tapikin ang Xperia™ with Facebook account.
4
Pindutin ang , pagkatapos ay tapikin ang Alisin ang account.
5
Tapikin ang Alisin ang account muli upang kumpirmahin.