
Memorya
Maaari kang mag-save ng nilalaman sa memory card, sa panloob na storage ng iyong
telepono at sa memorya ng telepono. Naka-save ang musika, mga video clip at
larawan sa panloob na storage o memory card habang ang mga application, contact
at mga mensahe ay naka-save sa memorya ng telepono.
Maaari mong ilipat ang ilang application mula sa memorya ng telepono patungo sa memory
card.
Upang maglipat ng application sa panloob na storage ng telepono
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at i-tap ang Mga Setting > Apps.
3
Piliin ang application na gusto mong ilipat sa panloob na storage.
4
Tapikin ang Ilipat sa panloob na storage.
Hindi posibleng ilipat ang ilang application mula sa memory ng telepono patungo sa panloob
na storage.
32
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

Memory card
Maaaring kailanganin mong bumili ng memory card nang hiwalay.
Sumusuporta ang iyong telepono sa microSD™ na memory card, na ginagamit para
sa nilalamang media. Magagamit din ang ganitong uri ng card bilang portable memory
card sa iba pang katugmang mga device.
Pag-format sa memory card
Maaari mong i-format ang memory card sa iyong telepono, halimbawa, upang
makapagdagda ng karagdagang memory. Nangangahulugan ito na iyong buburahin
ang lahat ng data sa iyong card.
Mabubura ang lahat ng nilalaman sa memory card kapag na-format mo ito. Tiyaking gumawa
ka ng mga backup ng lahat ng nais mong ma-save bago i-format ang memory card. Upang i-
backup ang iyong nilalaman, maaari mo itong kopyahin sa iyong computer. Para sa
karagdagang impormasyon, tingnan ang chapter na
Pagkonekta sa iyong telepono sa isang
computer
sa pahina 100.
Upang i-format ang memory card
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at i-tap ang Mga Setting > Imbakan > I-unmount ang SD card.
3
Kapag iyong natanggal ang memory card, tapikin ang Burahin ang SD card.