
Ano ang Android™?
Tumatakbo sa platform ng Android ang iyong Xperia smartphone mula sa Sony.
Maisasagawa ng mga Android phone ang marami sa mga parehong function gaya ng
sa isang computer at mako-customise mo ang mga ito sa sarili mong mga
pangangailangan. Halimbawa, maaari kang magdagdag at magtanggal ng mga
application, o pagbutihin ang mga umiiral na application upang mapahusay ang
paggana. Sa Google Play™, makakapag-download ka ng isang hanay ng mga
application at laro mula sa isang patuloy na lumalagong koleksyon. Maaari mo ring
isama ang mga application sa iyong teleponong Android™ sa ibang application at sa
mga online na serbisyong ginagamit mo. Halimbawa, maaari mong i-back up ang
iyong mga contact sa telepono, ma-access ang iyong iba't ibang email account at mga
kalendaryo mula sa isang lugar, subaybayan ang iyong mga appointment, at tumuon
sa social networking.
Patuloy na nagbabago ang mga teleponong Android™. Kapag mayroong bagong
bersyon ng software na makukuha at suportado ng iyong telepono ang software na
ito, maaari mong i-update ang iyong telepono upang makakuha ng bagong mga
tampok at pinakabagong mga pagpapahusay.
Paunang nilagyan ng mga serbisyo sa Google™ ang iyong teleponong Android™. Upang
masulit ang anumang mga ibinigay na serbisyo ng Google™, dapat ay mayroon kang
Google™ account at mag-sign in doon kapag una mong binuksan ang iyong telepono.
Kailangan mo ring magkaroon ng Internet access upang magamit ang maraming feature sa
Android™.
Maaaring hindi tugma ang mga bagong labas na software sa lahat ng telepono.