
Pagbuo
Upang alisin ang takip ng baterya
•
Gamit ang iyong mga hinlalaki, i-slide ang takip ng baterya para matanggal sa
telepono.
Upang magkabit ng memory card
•
Alisin ang takip ng baterya at ikabit ang memory card nang nakaharap sa ibaba
ang mga kulay gintong contact.
Upang alisin ang memory card
1
I-off ang telepono.
2
Alisin ang takip ng baterya at ang baterya.
3
Pindutin pababa ang plastic na clip na may hawak sa memory card. Habang
pinipindot ang clip, gamitin ang kuko upang i-slide palabas ang memory card.
9
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

Upang ipasok ang SIM card
Huwag maglagay ng hindi tugmang SIM card sa puwang ng SIM card. Ang paggawa nito ay
maaaring permanenteng makapinsala sa iyong SIM card o iyong telepono.
•
Alisin ang takip ng baterya, pagkatapos ay ikabit ang SIM card sa slot nito nang
nakaharap sa ibaba ang mga kulay gintong contact.
Upang alisin ang SIM card
1
Tanggalin ang takip ng baterya at ang baterya.
2
Ilagay ang dulo ng iyong daliri sa SIM card at ipadausdos ito nang palabas ng
slot nito.
Upang mailagay ang baterya
1
Alisin ang takip ng baterya.
2
Ilagay ang baterya na nakaharap pataas ang label sa paggamit ng baterya at
magkaharap ang mga connector.
Upang tanggalin ang baterya
1
Alisin ang takip ng baterya.
2
Ilagay ang dulo ng iyong daliri sa bukasan sa ilalim na bahagi ng baterya at
iangat ang baterya.
10
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

Upang ikabit ang takip ng baterya
1
Ilagay ang takip sa likod ng telepono, pagkatapos ay iakma ito sa mga butas.
2
I-slide ang takip pababa.