
Pangkalahatang-ideya sa mga setting ng telepono
Alamin ang mga setting sa iyong telepono upang ma-personalize mo ang mga iyon sa
iyong mga sariling kagustuhan.
Wi-Fi
I-on o i-off ang Wi-Fi®, i-scan ang mga available na Wi-Fi®
network, o idagdag ang Wi-Fi® network.
Bluetooth
I-on o i-off ang Bluetooth™, maghanap ng mga available na
Bluetooth™ device, at gawing nakikita o hindi nakikita ang iyong
telepono sa iba pang mga Bluetooth™ device.
Paggamit ng
data
I-on o i-off ang trapiko ng data ng mobile, at subaybayan ang mga
detalye ng iyong paggamit ng data sa isang partikular na oras.
Higit pa...
I-on o i-off ang Airplane mode, i-configure ang mga setting para sa
VPN at Mga mobile network, at paganahin ang iyong telepono
upang ibahagi ang koneksyon ng data ng mobile nito bilang
portable na Wi-Fi® hotspot, o sa pamamagitan ng Pag-tether ng
USB o Bluetooth™ tethering.
Mga setting
ng tawag
Pamahalaan at i-configure ang mga setting para sa mga fixed
dialing number, voicemail at tawag sa Internet.
Tunog
I-configure kung paano nagri-ring, nagba-vibrate, o paano ka
inaalertuhan ng iyong telepono kapag tumatanggap ka ng mga
komunikasyon. Maaari mo ring gamitin ang mga setting na ito
upang itakda ang lakas ng volume para sa musika, video, mga laro
o ibang media na may audio, at gumawa ng mga kaugnay na
pagsasaayos.
Display
Payagan ang screen ng iyong telepono na magpalit ng orientation
kapag pinihit mo ang iyong telepono. Maaari mo ring itakda ang
linaw, laki ng font, wallpaper at timeout ng screen.
Imbakan
Suriin ang natitirang space sa panloob na imbakan ng iyong
telepono at sa SD card. Maaari mo ring burahin ang SD card, o i-
unmount ito para sa ligtas na pagtanggal.
Baterya
Tingnan ang katayuan ng baterya ng iyong telepono. Maaari mo
ring makita kung gaano katagal na nasa baterya ang iyong
telepono, at paano gumagamit ang iba't ibang application ng lakas
ng baterya.
Apps
Pamahalaan ang mga tumatakbong application, na-download na
application at mga application sa SD card.
Xperia™
I-configure ang USB connection mode, uri ng koneksyon sa
network at mga setting ng Internet. Maaari mo ring paganahin ang
mga tampok ng Facebook sa loob ng mga application.
Mga account
at pag-sync
Payagan ang iyong telepono na mag-synchronise ng data sa mga
account sa pag-synchronise na idinagdag mo.
Mga serbisyo
ng Lokasyon
Paganahin o i-disable ang serbisyo sa lokasyon ng Google, mga
GPS satellite, at paghahanap ng Lokasyon at Google.
Seguridad
Protektahan ang iyong telepono sa pamamagitan ng pag-set up ng
iba't ibang lock at password. Maaari mo ring payagan ang pag-
install ng mga application na hindi mula sa Google Play™.
118
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

Wika at input
Piliin ang wika ng telepono, ayusin ang mga pagpipilian sa pag-
input ng teksto, magdagdag ng mga salita sa personal na
diksyunaryo at i-configure ang mga setting ng pananalita.
I-backup at i-
reset
I-back up ang iyong data at i-reset ang iyong telepono.
Petsa at oras
Itakda ang oras at petsa, o piliin ang mga halagang ibinigay ng
network. Piliin ang iyong gustong format ng petsa at oras.
Pagiging maa-
access
Paganahin ang iyong naka-install na mga serbisyo sa pagiging
maa-access at ayusin ang mga kaugnay na setting.
Mga
pagpipilian ng
nag-develop
Magtakda ng mga pagpipilian para sa pag-develop ng application.
Halimbawa, maaari mong ipakita ang paggamit ng CPU sa display
ng telepono at magpakita ng nakikitang feedback para sa mga
pagpindot. Maaari mo ring itakda ang telepono na pumasok sa
mode na pag-debug kapag nakakonekta ang USB.
Tungkol sa
telepono
Tingnan ang impormasyon tungkol sa iyong telepono, tulad ng
numero ng modelo, bersyon ng firmware, numero ng telepono at
signal. Maaari mo ring i-update ang iyong software sa
pinakabagong bersyon.