
Paghanap sa iyong device
Maraming paraan upang hanapin at protektahan ang iyong device kung mawala mo
man ito. Gamit ang serbisyong “my Xperia”, magagawa mong:
•
Hanapin ang iyong device sa isang mapa.
•
Magpatunog ng alerto na gumagana kahit naka-silent mode ang device.
•
I-lock ang device nang malayuan at ipakita dito ang iyong impormasyon sa pakikipag-
ugnay.
•
I-wipe nang malayuan ang panloob at panlabas na memory sa device kung wala nang
magagawa pa.
Kung aktibo ang serbisyong “my Xperia” sa iyong device, ang kailangan mo lang
gawin ay pumunta sa
myxperia.sonymobile.com at mag-sign in gamit ang iyong
Google™ account. Kung hindi aktibo ang serbisyo, maaari mo itong i-aktibo nang
manu-mano sa pamamagitan ng menu ng Mga setting.
Maaaring hindi available sa lahat ng bansa/rehiyon ang serbisyong “my Xperia”.
Upang manu-manong i-aktibo ang serbisyong “my Xperia”
1
I-drag ang status bar pababa, pagkatapos ay tapikin ang .
2
Tapikin ang Xperia™ > MyXperia™ > Activate.
3
Markahan ang checkbox, pagkatapos ay tapikin ang Accept.