
Tungkol sa Musika
Sulitin ang iyong Walkman™ player. Makinig sa at ayusin ang musika, mga audio
book at podcast na inilipat mo sa iyong memory card mula sa isang computer, o binili
at na-download mula sa mga online na store.
Upang gawing madaling available ang nilalaman sa music player, maaari mong
gamitin ang application na Media Go™. Tumutulong ang Media Go™ na maglipat ng
nilalamang musika sa pagitan ng computer at ng telepono. Para sa higit pang
impormasyon, tingnan ang Pagkonekta sa iyong telepono sa isang computer sa
pahinang 100.
Pangkalahatang-ideya sa "WALKMAN" application
1
Mag-browse ng musika sa iyong memory card
2
Hanapin ang lahat ng track na naka-save sa panloob na storage ng iyong telepono
3
Tapikin ang pindutan na infinite upang makakita ng kaugnay na impormasyon online at mga plug-in
sa Google Play™
4
Album art (kung available)
5
Pumunta sa susunod na track sa kasalukuyang play queue, o fast forward
6
Kabuuang haba ng oras ng track
7
Lumipas na oras ng kasalukuyang track
8
Tagasaad ng progreso – i-drag ang tagasaad o tumapik sa linya upang i-fast forward o i-rewind
9
Pindutan ng Play/Pause
10 Pumunta sa naunang track sa kasalukuyang play queue, o rewind